Saturday, November 15, 2008

Ulan at si Juan

Bata pa lang ako ayaw ko na sa ulan. Una dahil maputik sa bukid pag umuulan. Pangalawa, malungkot -- at pangatlo, natatakot ako. Aba, mantakin mo naman sa kalawakan ng bukid eh humahagupit din ang kulog at kidlat. Isipin mo pa lang na nakukuryente ka ng lintik habang nababasa ka ng ulan - keri mo kaya yun?

Ulan din ang nagpapaalala sa akin sa maraming bagay.

Wag mong isiping umuulan nun ng ma-divirginize ako! Malaswa ka!

Naalala ko nung nasa college pa ako, pag umuulan bumabaha sa UST, at siyempre pag baha 'alang pasok. Nood sine na lang. at pag uwi alipunga na ang katapat ng kabulakbulan ko. Sabi ng professor ko: "Mr Vasquez my room is in UST not in your house." Sabay lakad paalis na di man lang ako tinanong kung bakit absent! Bakit, kasalanan bang maging emotionally affected ng ulan? Parang dysmenorrhea lang din yan ng mga babae, di ba apektado ng sakit ng puson ang tamang pag iisip kaya naman pag meron ka nyan absent din ang mga babae. Isipin na lang sana na dysmenorrhea ko ang ulan. Magkaroon kaya ng batas na ang ulan ay ideklarang non-working holiday. Im sure pag umuulan maraming mga mall ang tiba-tiba sa benta, pati mga fastfood box-office sa pila. Masarap kumain pag umuulan. Dahil may nagrarasyon sa amin tuwing umaga, ang pagkain di problema. Champorado na may tuyo ang dala ni manang. Todo kain na. Minsan lang naalala ko sa boarding house namin, kasi yung may ari may alagang aso kaya pag umuulan, lumalaban ang baho ng ihi at tae sa may dirty kitchen namin. Gosh so bantot talaga, at ang mga bwisit na aso super pooo-pooo pa sa bed ko minsan, eh umuulan, so di matutuyo ang bedsheet ko. Syet na malagkit talaga, ulan!

Pag gusto mong magpunta sa mall, agawan pa sa taxi at dyip pag umuulan. Sabagay kahit naman walang ulan, pero mas malala pag may ulan. Nariyang uupo ka na lang sa taxi eh may aagaw pa sa yo, at dahil maraming audience at nakatingin, give way ka boy kasi girl sya eh. Girl baga! Ayan double standard na naman. Pareho lang naman kayong gustong makapunta sa pupuntahan nyo pero dahil girl sya, sya na lang mauna. Magroon kaya ng batas na kung sino ang maunang kumapit sa door na kotse eh idedeklarang panalo sa agawan ng taxi. Pag umuulan din, dahil sa alam ng mamang driver na maraming pasahero, uupo ka pa lang tinatanong na ni manong kung san ka pupunta.

"Sa Espana, manong."

Sagot ng driver: "Naku trapik dun.".

San ba walang trafffic? "Aba manong alangan namang dalhin mo ako sa ibang lugar dahil traffic sa amin!" Ginoong mahabagin!

"Di po kasi ako dun papunta eh." At lulusot pa!

"Manong, hindi ko kailangang pumunta sa pupuntahan mo. Kaya ka nga taxi driver eh."

Kamot ulo na lang si manong sabay drive. Dapat lang naman di ba? Aba alangan namang dalhin nya ako sa pupuntahan nya. Im sure pag ganun lahat eh siguradong punong puno ang bahay lahat ng taxi driver.

Balik sa ulan. Nung nagkapamilya ako ulan din ang hassle sa buhay ko. Wala pa kaming sasakyan nuon kaya pag gustong mag-mall at umuulan, kawawa si baby Sam. Tiis sa pila sa paghihintay ng taxi. Ako naman basang basa sa kakapara sa taxing may mga laman na pala. Sana magkabatas na ang lahat ng taxi pag may laman eh may malaking billboard sa taas na nakalagay na MAY LAMAN para yung malalabo ang mata eh makita agad. Kesa naman sa excited ka at lahat, wagayway ka na and everything tapos dadaan sayo may laman na pala sa loob. Frustrating di ba. Basa ka pa ng ulan.

Nung mabrokenhearted pa ang lolo nyo eh umuulan din! Nasa labas ako ng bahay ko ng madaling araw, oo madaling araw po, kasi di ako makatulog, at nage-emote mag isa.

"Bakit ba nangyari eto... huhuhu" Sabay cry to death! Balik ng kama habang basa at cry ulit! Hahaha. Dramatic ano? kaya kinabukasan habang mulat ang mata mo sa puyat at singhot ka ng singhot dahil sa sipon, trabaho pa rin. Yan ang ulan. Sana magkaroon ng batas na magbabawal mabrokenhearted pag umuulan. Kasi malungkot na nga ang ulan, brokenhearted ka pa.

Nasan nga ba dito sa kwento ko si Juan.

Nakalimutan ko.

Si Juan laging gusto ng batas na kokontrol sa mga bagay bagay. Maririnig mo ang mga senador at congressman napakaraming batas na pinaggagagawa, pero ano? Nasaan ba ang mga Pinoy ngayon. Parang wala pa ring batas na sinusunod. Maraming walang disiplina. Ulan pa lang ang pinag uusapan dito pero ilang batas na ang gustong gawin.

Yan si Juan, gusto maraming batas na kokontrol sa sariling kamalasan.

Sana may batas na magtitigil sa paggawa ng batas at halip na gumawa eh ipatupad na lang.

Si Juan, ayun umaasa sa batas nyang gusto...


No comments: